Infinite time, proximate distance

Exhibition notes for Direction 2016 at the Metropolitan Museum of Manila

Works in this edition represent a mode of storytelling that captures movement across media, a crossing of boundaries buoyed by a world building impulse that focuses on the formation of contemporary understandings of existence in time and space.

PCA Print

This current, as we are in the world in the moment, is conveyed through forms that are tactile, textured, expansive yet intricate. In these works, time is arrested or reversed, fabricated, spooled and unfurled. Its elusive nature is grounded however fragmentarily, in the firmaments of space. This claiming of place is condition we all desire, however transient we have become: place constructed within familiar confines, in strange lands and distant shores, even fantasy worlds.

L1220221

These reconstructions of time and place are discerned in process and technique, in recasting space, and in enlivening stories that challenge our capacity for belief. Modes vary – they include thread sewn into image, colloids on surface, industrial material painstakingly built up and bound, the body flattened on screen in a video game relay, a flimsy pin coaxed into forms that defy its very nature. They are also about the reinvention of worlds: the past in artefacts, fragments of gestures recorded and evidenced by shards, folklore in a miniature world, the belly of hell in mirrored reflections or the kaleidoscope thicket of a fictional forest.

L1220233

L1220240

However diverse, the pieces cohere in gestures of embodiment, through vessels that is our physical bodies, through sensor that is affect: they remind of despair and hope, happiness and woe, whether in recollections of abandonment and loss, or the vestiges of art’s methods. These strongly imply that the imagination offers a wide berth to explore and examine how it is to be in our moment, ‘as is happening’ within pools of transcendence while nearly submerged in a mire of conflict and loss.

Panahong walanghanggan, distansiyang malapit lang

Salin Joey Baquiran
Representasyon ang mga obra sa edisyong ito ng isang paraan ng kuwentong nakakahuli ng pagkilos sa iba’t ibang midya, nakakatawid sa mga hanggahan na binubuhay ng udyok na lumikha-ng-daigdig na nakatuon sa pagbuo ng kasalukuyang pag-unawa sa pag-iral sa panahon at espasyo.
Naipapahayag itong daloy, na kinalalagyan natin sa sandaling ito sa daigdig, sa mga anyong nasasalat, may ligasgas, lumalawak pero masalimuot. Dito sa mga obra, napapatigil ang oras o napapabalik, nalilikha, naiikid o nakakalag. Nakabatay ang mailap na katangian nito gaano man kapira-piraso, sa himpapawid ng espasyo. Hinahangad nating lahat na kondisyon itong pag-angkin sa pook, gaano man tayo tila palagiang paalis: lugar na nilikha sa loob ng pamilyar na sakop, sa mga kakaibang lupain at ibayong-dagat, kahit pa nga sa pantasyang daigdig.

L1220232

Makikita ang mga rekonstruksiyon ng panahon at pook sa proseso at teknik, sa muling-paghubog sa espasyo, at sa mga nakakabuhay na kuwentong humahamon sa kakayahan nating maniwala. Nag-iiba ang mga paraan—kasama ang pagtahi ng sinulid sa imahen, colloid sa rabaw, industriyal na materyal na matiyagang binuo, pinalapat na katawan sa iskrin para sa pasahang video game, marurupok na karayom na hinikayat sa mga anyong bumabanat sa mismong kalikasan nito. Tungkol din ang mga ito sa reimbensiyon ng mga daigdig: ang nakaraan sa mga artefak, mga piraso ng muwestrang naitala at napatibayan ng mga bubog, kuwentong-bayan sa isang munting mundo, ang kaibuturan ng impiyerno sa mga nasasalaming repleksiyon o sarikulay na kakahuyan ng imahinaryong gubat.

L1220237

Gaano man karami, nagkakaisa ang mga obra sa muwestra ng pagsasakatawan, sa mga sisidlang ating mga pisikal na katawan, sa pamamagitan ng pandamang matutukoy bilang damdamin: nagpapaalala ng desperasyon at pag-asa, saya at dalamhati, ito man ay sa pagbalik-tanaw ng pagpapabaya at kawalan, o mga bahid ng mga pamamaraan ng sining. Matinding pinapakahulugan nito na naghahandog ang imahinasyon ng malawak na pagkakataon upang masaliksik at masuri kung paano manatili sa ating mga sandali, “habang nangyayari” sa mga munting lawa ng pag-angat habang halos nakalubog sa pusali ng hidwaan at pagkaligaw.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s